Salbabida 5 The Meet-Up

You’re reading novel Salbabida 5 The Meet-Up online at LightNovelFree.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit LightNovelFree.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy!

Mukhang magaling na stalker ang gago, isip ko nung pinadala niya yung ask na iyon. Aaminin ko, I almost had no doubts na gusto ko siyang makita in person kasi may itsura naman siya - not too gwapo pero attractive, I must say.

But then may side naman na parang ayaw ko din, kasi at that time wala ako sa mood to meet anyone. I'd rather be alone and magluksa dahil sa kamalasan na gawa ng troll na tinatawag nilang Diyos, saka wala rin ako sa mood to do it which most likely mangyayari. May kamay naman ako.

So sinabihan ko siyang stalker, na pinagtawanan naman niya.

"Di mo ba alam na follower mo na ako way before tayo magkakilala sa PR?" Revelation niya. "Lakas mo pang magtago doon halata rin naman."

"Di ko rin naman kailangang ipagkalat." Banat ko. "Private like ko iyon no, saka paki ba nila if I'm looking for a fubu doon. I don't violate any law naman."

"You're definitely something." Comment niya. "That's why it's always interesting talking to you."

"I hope yung ulo mo sa taas napapahanga ko at di sa baba." Type ko sa computer while imagining a chuckle in my head.

"How would I know eh di ko pa nga nakikita anong itsura mo?" Saka ko lang naaalala na di ko pa pala siya nabibigyan ng picture ever since while siya napadalhan na niya ng selfies at half-naked pics niya. d.i.c.k pics na lang siguro kulang.

"As I've mentioned, madidisappoint ka lang kasi skin and bones ako. As in literal."

"And I would like to reiterate na I like guys like you."

"Ang odd lang ng fetish mo ha."

And I was about to say na I like guys like him, too. Sabi nga ng friend ko dati nung high school, human relations.h.i.+ps only work if two people are polar opposites. Payat ako, medyo malaman siya, witty at patawa siya while ako seryoso. Common denominator lang namin, parehas kaming naksalamin. Well di ko rin naman masasabi kasi one month pa lang naman kami magkakilala.

After a few minutes I decided to give him my number and how we'll meet. Sa Shang na mismo, sa cinema lobby. May food review pa kasi akong pupuntahan tapos may gradschool cla.s.s naman siya sa gabi, so ayos lang.

Dumating yung araw na event na parang wala lang sa akin. Mag-isa akong pumunta sa venue, bilang first time ko iyon na pumunta sa isang block screening. Nang tinignan ko mga tao sa paligid, feeling out of place ako - lahat sila mukhang mayaman at sosyal; k.u.mikita na kasi sila sa blogging di gaya ko na nagsusulat lang for the sake of it. Naisip kong umupo sa isang sulok habang hinihintay siya dahil maaga pa naman.

"Mag-isa ka lang?" Bati sa akin ng isang babae, saka ng mga kasama niyang kapwa bloggers. Sa itsura nila mukhang mga bago pa lang sila gaya ko, k.u.mbaga di pa sila bigtime.

"Hindi, may kasama ako, padating pa lang."

"Bago ka pa lang no?" Bati nila sabay pakilala sa akin. Nakalimutan ko rin naman pangalan nila dahil mahina talaga ako sa memorization. "Grabe mga tao dito no, bigatin! Ay tignan mo si Momblogger oh!" Padaan naman ang isang medyo bordering-to-50 na babae na nakilala sa pagblo-blog niya tungkol sa pagkamatay ng anak niya, turned into a blog about pakikisaw-saw sa national issues just like the holy-and-intelligent middle cla.s.s.


Inaya nila ako sa c.o.c.ktails area para mag-register at k.u.muha ng snacks. Kung alam ko lang na wala palang ipapakain na dinner dito k.u.main na sana ako bago umakyat. But it was too late, I guess. Puro picpica stuff at drinks lang. Ilang oras ko pa 'to t.i.tiisin, I believe. (Pero masarap naman yung buffalo wings, in fairness.)

In the middle of socializing muntik ko nang nakalimutan na may hinihintay pa pala ako. Doon ko na siya naisip i-text. "Saan ka? Malapit na magsimula yung movie", sabi ko kahit di ko sigurado anong oras ba talaga simula.

"Sorry, nasa MRT na ako...Santolan na. Sensya na..." Aba, himalang medyo apologetic siya ngayon, with matching sad face pa.

"Okay, sige. Dumiretso ka na lang sa cinema." Sabay balik sa stairs kung saan ako nakaupo kanina, with my polo s.h.i.+rt, jeans and sneakers in me.

Parami ng parami ang tao sa paligid at nag-aalala na rin ako kung darating pa ba siya. Nakatanga lang ako sa paligid, di pansing mayroon na parang tumabi sa aking isang lalaking naka long sleeve saka slacks.

"Hey..." Bulong niya sa akin. Muntik na akong matumba.

"Ikaw lang pala..." Gulat ngunit medyo pabulong kong sabi. Siya nga - kung anong itsura niya online ganun din in real life, pero medyo formal nga lang siya ngayon - at mas matangkad, I believe. Di siya mukhang punkish/hipsterish, mukha siyang yuppie na ewan.

"Kanina ka pa ba?" Sabi niya. "Di...di naman..." Pagsisinungaling ko kahit na kanina pa ako dahil akala ko maaga magsisimula.

"So...ano nang gagawin natin?" Seryosong tanong niya sabay tayo sa kinauupuan ko para samahan siya sa registration booth. Siya na mismo nagdala ng popcorn at drinks na libre sa amin, sabay alok kung gusto ko pa daw ng pagkain. "Busog pa ako", reply ko.

Kahit kanina pa ako gutom...sa pagkain, at sa kanya. Joke. Wala akong magagawa eh, gwapo siya, yung tipong kahit ayaw mo't para kang babae na hinahanda ang puri para sa araw ng sakal este kasal mauuwi kang ibibigay ito sa kanya. As if di rin naman mauuwi sa ganoon iyon ngayong gabi. Hinanda ko na sarili ko about the possibility - may condom pa nga ako sa wallet every time I'm out.

Pero ngayong magkasama kami, he's surprisingly silent. Hindi siya yung lalaking kinukulit ako sa madaling araw na mag-Skype daw kami't nagpapadala ng pics sa akin kahit ayaw ko. May small talk, mostly about school, yun lang. Di siya yung pataw.a.n.g guy na naisip ko online. Or baka naghahanap lang ng tiyempo dahil sa dami nga naman ng tao.

Hanggang sa pagpasok sa sinehan, ganun pa rin. May small talk muna mga organizers bago nagsimula yung mismong movie. Parehas lang kaming tahimik at focused sa pelikula na parang film critics na hindi.

Hanggang sa nahuli ko siyang pasimpleng sinusubukang hawakan yung kamay ko. Ikaw ha, nagsisimula ka na, isip ko na para bang natatawa at the same time, kinikilig. Para ba kasing inosente siya sa lahat ng pinaggagawa niya.

Which I learned nung natapos na yung pelikula. "Saan na tayo?" Pagtatanong ko sa kanya, even though actually dapat siya ang nagtatanong kasi ako naman nag-aya sa kanya.

"Ewan, wala akong maisip eh."

"Nagugutom na ako...di pa ako k.u.makain."

"Tara, kain tayo." Alok niya sa akin. Just as I thought sa kung saan niya ako dadalhin, sa convenience store lang pala. Gusto ko siyang tanungin kung bakit of all places, doon pa. Kung di lang sana ako gutom.

"Anong gusto mo? Pili ka lang..." Nahihiya tuloy ako dahil ako dapat yung nasa posisyon na manlibre, hindi siya. Wala eh, mahirap lang ako. Saka aarte pa ba ako.

Oh gosh, ano bang balak nito sa buhay? Isip ko habang nakat.i.tig sa hile-hilerang refrigerator.

"Ang tagal mo namang k.u.muha? Heto na lang, milk soda. Masarap iyan..." Sabay kuha sa loob na para bang isang binayarang sales agent.

"Thanks." Sagot ko habang k.u.mukuha pa siya ng isa. Diretso kami sa counter para bayaran yung kinuha namin; siya na mismo nag-insist na libre niya tapos k.u.muha pa siya ng fried chicken para kainin namin.

Tang-ina ang anghang naman nito, isip ko habang nagmamadali itong ubusin dahil sa gutom. Siya naman t.i.tig na t.i.tig sa akin na parang nakahanap ng batang palaboy na gagawing s.e.x slave. Mga kahalating oras ata kaming di nagsasalita, hanggang sa ako na mismo ang nbored at nagsimula siyang kausapin.

"So, bakit ka nasa PR?" How lame pero iyon lang naisip ko nung mga oras na iyon.

"Actually bago pa lang ako doon..." Pag-amin niya sa akin. Kaya pala para siyang inosenteng ewan na di malaman anong gagawin. "Tapos nakita ko profile mo doon."

"Ah." Inaantok kong sagot. "Actually matagal na ako doon. Mga high school pa ata?"

"Wow, mas madami ka pa palang alam kesa sa akin."

"Ay grabe, sino kayang nag-aalok ng cam-to-cam sa Skype?" Biro ko, sabay tawa naman niya na parang katapusan na ng mundo. Naisip ko that time parang ang unfair ko kasi he almost shared everything about his life samantalang ako I was so reclusive.

Balik ulit sa awkwardness. Iwasan lang kami ng tingin habang parehas kaming nagkakalikot ng aming cellphone. Naputol lang ang katahimikan nung inalok na niya akong maglakad daw kami. Shet, heto na ata iyon, buw.a.n.g na isip ko nun. May motel pa naman sa paligid.

Pero hindi niya ako dinala doon. Tumawid kami ulit pabalik sa Shang, kung saan nagkalat yung mga call boy at mga kliyenteng naghahanap ng trip ngayong gabi.

"So...anong impression mo sa akin?" Tanong niya na medyo pautal-utal pa sa pagsasalita.

"Nakikita ko sarili ko sa iyo..." Honest kong sagot sa kanya. "Ikaw ba?"

"Ako din...ganun. Cute ka." t.i.tig niya sa akin. Malalim ang gabi't medyo madilim ang kalsada pero malinaw na malinaw sa akin kung gaano katindi ang tingin ng mga mata niya, tagos sa kanyang salamin. "Ewan ko bakit ang hard mo sa sarili mo."

"Thanks." Sagot ko. At nagpatuloy lang kami sa pag-ikot-ikot sa Ortigas. Hindi man lang niya naisip na hawakan ulit ang kamay ko, o nakawan man lang ako ng halik. Siguro a.s.sumero lang ako o ganun lang kababaw tingin ko sa mga lalaki simula ng sumali ako sa PR.

"Saan ka uuwi?"

"Sa Fairview ako." Sagot ko.

"Ah, diretso pa 'ko ng Bulacan." Sa Marilao pa daw, sabi niya. Di namin namalayan na nasa Galleria na pala kami nang nagusap kaming maghihiwalay na. Sumakay ako sa bus na may dalang respeto sa lalaking 'to, na di siya nag-take advantage kahit na pwede at kahit gusto ko. Nahihiya akong ako pa ang nag-isip ng motibo.

Di ko alam na he's just saving the best for later.

Salbabida 5 The Meet-Up

You're reading novel Salbabida 5 The Meet-Up online at LightNovelFree.com. You can use the follow function to bookmark your favorite novel ( Only for registered users ). If you find any errors ( broken links, can't load photos, etc.. ), Please let us know so we can fix it as soon as possible. And when you start a conversation or debate about a certain topic with other people, please do not offend them just because you don't like their opinions.


Salbabida 5 The Meet-Up summary

You're reading Salbabida 5 The Meet-Up. This novel has been translated by Updating. Author: mikkieugenio already has 1025 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

LightNovelFree.com is a most smartest website for reading novel online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to LightNovelFree.com