She Maybe The Wrong Girl 7 Chapter Six
You’re reading novel She Maybe The Wrong Girl 7 Chapter Six online at LightNovelFree.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit LightNovelFree.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy!
Sa kaharian ng Dalaketnon, nandun sa palasyo sina Haring Mossainite at Conde Almandite naguusap para sa paghahanda ng kasal ng kani-kanilang mga anak.
Usisa ni Haring Mossainite, "Conde Almandite, ano na ang balita tungkol sa paglalapit ng loob ng ating mga anak?"
Kuwento naman ni Conde Almandite, "Dahil sa alagad kong si Demetria, nagawa niya pagtagpuin sa panaginip ang ating mga anak. Nagsimula ito nung sila'y mga binatilyo at dalagita pa lang. At nahuhulog na ang loob nila sa isa't isa."
Nasabik si Haring Mossainite, "Magaling! Mukhang hindi tayo mahihirapan na makuk.u.mbinsi natin si Floresca na tumira sa kaharian natin."
At dumating sa palasyo ang alagad ni Conde Almandite na isang dakilang saserdote (in english, meaning high priestess) na walang iba kundi si Demetria, na tumawid sa mundo ng mga tao na magpangap bilang guidance counselor.
Sabi niya, "Maligayang pagbati, Haring Mossainite at Conde Almandite! Nais ko ipabalita sa inyo na nagawa na ng alaga kong uwak ang pinaguutos ko na mawala sa kamay ni Floresca ang kuwintas ng mangkukulam na siyang hahadlang sa atin para maipakasal siya kay Prinsipe Amarillo."
Natuwa naman si Haring Mossainite sa balita ng dakilang saserdote, "Magaling, kung ganun! Matutupad na ang propesiya dahil mabubuo na ang balanse. Para sa ganun ay maging mas matatag pa ang ating kaharian."
Ngunit, sumingit naman itong si Demetria, "Pero, meron pang isang balakid, mahal na hari. Si Marcux, na isang taga lupa, na siya ring kababata at sumusuyo kay Kondesa Floresca. Ano ang gusto niyo gawin sa kanya?"
At ang utos naman ng hari, "Isumpa mo siya. Bigyan mo ng malalang sakit. Nang hindi na niya makasama si Floresca kailan pa man."
Sumunod ang dakilang saserdote, "Masusunod, Mahal na Hari!"
At nung gabing iyon, tinamaan ng mataas na lagnat si Marcux. At nagkaroon rin siya ng mga butlig sa iba't ibang bahagi ng katawan. Nagalala ang mga magulang niya dahil hindi matukoy ng family doctor nila ang kanyang karamdaman.
Nalaman ito ni Lynn nang tumawag ang nanay ni Marcux kay Aling Lumen. Pinakiusapan nila si Aling Lumen na manggamot kay Marcux.
Binilinan ni Lumen si Lynn, "Anak, huwag ka magpapapasok kahit sino dito sa bahay. Ok lang yung mga kaklase o kaibigan mo. Pero, kung hindi mo kilala, huwag mong papasukin."
At biglang napansin ni Lumen na hindi suot ni Lynn ang kuwintas na pinasuot niya, "Teka, asan ang kuwintas? Bakit hindi mo ito suot?"
Sagot naman ni Lynn, "Kinuha po ng uwak. Kasi po, kahapon sa school, sinalakay ako ng uwak. Kaya nagkasugat-sugat nga po ako eh."
Nang pinakita ni Lynn ang kanyang mga sugat, lalong nabahala si Lumen. Nag-sign-of-the-cross pa ito, "Diyos ko po! Patnubayan niyo po siya."
Saka siya umalis ng bahay para puntahan ang mga Dela Rama.
Pag-alis ni Lumen, saka naman itong dumalaw si Marx.
"Marx, napadaan ka. Paano mo nalaman itong bahay ko?" taka ni Lynn.
Sagot naman na nadidiyaheng si Marx, "Hiningi ko yung address mo kay Marcux. Balita ko, may sakit daw siya. Kaya hindi daw siya makakasali sa try-out. Sabi ko sa text sa susunod na lang. Or, next year puwede pa siya sumali. Teka, ano ba ang sakit niya?"
Sabi naman ni Lynn, "Naku, hindi mo maintindihan kung ipapaliwanag ko sa iyo. Basta, malubha ang sakit niya. Pero, si Tiya Lumen naman ang manggagamot sa kanya."
At nakaisip ng ideya itong si Marx, "May kakilala akong doctor. Actually, family doctor namin siya. Gusto mo, samahan kita sa kanya? Para matulungan natin si Marcux?"
Natuwa naman si Lynn, "Oo ba. Sige, magbibihis lang ako. Dito ka muna sa sala magintay."
At nang nakabihis na si Lynn, mas nabighani pa itong si Marx sa postura niya.
"Tara na." sabi ni Marx.
At paglabas nila, sumakay sila sa isang magarang kotse. Ang nagmamaneho ay yung driver ni Marx.
"Saan ang punta natin, sir?" tanong ng driver na nakuniporme pa.
"Sa bahay muna. Para makausap ko yung duktor na manggagamot sa kaibigan namin." sabi ni Marx.
Nagtaka itong si Lynn, "Teka, hindi mo ba pupuntahan yung duktor sa bahay nila, o tawagan man siya sa cellphone?"
Paliwanag naman ni Marx, "Pumunta muna tayo sa bahay. Kasi baka nandun yung duktor na sinasabi ko. Baka nga kausap na ngayon ang parents ko eh."
"Okay." sagot naman ni Lynn.
...
She Maybe The Wrong Girl 7 Chapter Six
You're reading novel She Maybe The Wrong Girl 7 Chapter Six online at LightNovelFree.com. You can use the follow function to bookmark your favorite novel ( Only for registered users ). If you find any errors ( broken links, can't load photos, etc.. ), Please let us know so we can fix it as soon as possible. And when you start a conversation or debate about a certain topic with other people, please do not offend them just because you don't like their opinions.
She Maybe The Wrong Girl 7 Chapter Six summary
You're reading She Maybe The Wrong Girl 7 Chapter Six. This novel has been translated by Updating. Author: ukcphl already has 616 views.
It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.
LightNovelFree.com is a most smartest website for reading novel online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to LightNovelFree.com