Potion Of Love 13 Chapter 12
You’re reading novel Potion Of Love 13 Chapter 12 online at LightNovelFree.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit LightNovelFree.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy!
"Hey! Teka,hindi pa ako tapos." Reklamo ko.
"Nakapitong kanin kana." Nagulat ako sa sinabi ni Nixon.
Doon ko lang na realise na tama nga siya,sa sobrang inis ko sa kanila ay nalibang ako sa paglamon.
"Busog na ko,kayo ba tapos na?" Usisa ko.
"O-oo." Tumayo na si Clarissa, nauna nang sumakay sa kotse.Hinintay ko si Nixon na magbayad sa kinain namin.
"Sulit sayo 'yong kinainan natin ah?" Pangbubuska ni Nixon.
"Sa sobrang sarap,hindi niya napansin na may kasama siya." Bulaslas ni Clarissa.
"Well ,nakakatuwa nga eh." Nanatiling tahimik lamang ako.
"Gusto nyo bang magpunta tayo bukas sa warehouse namin? Bibisitahin ko lang sina t.i.to."
"Magpapaalam ako kina Nanay." Sabi ko nalang.
"Ikaw,Clarissa?"
"Game ako diyan!"
b.u.muntunghininga nalang ako.Nagseselos ako,lagi nalang si Clarissa ang game pagdating sa galaan.Sa totoo lang talaga,parang naiinis ako sa sarili ko kung bakit mas close silang dalawa kaysa sakin.
"Saan pa ba tayo?" Usisa ulit ni Nixon na nakatingin sakin.
Ako kasi ang katabi niya sa backseat habang si Clarissa nagdrdrive.
"Siguro,uuwi nalang ako." Kagat labi kong tugon.
"May gagawin kapa ba?"
"Oo."
"Sige,maguwian nalang tayo sa bahay para gumawa ng mga a.s.signments.Magpaalam ka Klea ha? Para makasama ka bukas."
Mahinang tango lang ginawa ko at pumikit.Nagdecide si Clarissa na ihatid muna nila ko sa bahay nila Ma'am Faustino dahil andoon pa raw si Amir.Sa byahe hindi na ko k.u.mikibo,bakit ba ayaw nilang pansinin ang pagdrdrama ko? Kainis ha?
"Ihatid na kita sa loob." Mabilis na lumabas si Nixon para buksan ang pinto ng kotse.
Diretso lang akong naglalakad habang siya naman ay sumusunod sakin.b.u.mukas ang gate,si Amir ang b.u.mungad sa amin.
"Hi." Sumilip sa labi ni Amir ang magandang ngiti.
"Sige na Nixon,pwede mo na kong iwan.Salamat ha?" Tinitigan muna niya ko bago ito sumakay sa kotse.
b.u.maba si Clarissa para magpaalam sakin tapos siya na ngayon ang nasa tabi ng driver seat.
Pumasok na ko sa bahay ni Ma'am Faustino. Lumabas lang daw saglit si Blaze habang si ma'am ay natutulog.
"Hindi ka pa ba nagllunch?" Usisa ko rito.
"Hindi pa."
"Ay,paano yan?"
"Bakit? Anong kakainin mo? May niluto si t.i.ta para satin."
"Sa labas na kami k.u.main ng mga kaibigan ko.Sobrang dami ko ngang na kain."
"Ganoon ba? Sayang ako lang kakain mag-isa."
"Sasamahan kita sa kusina." Nauna akong pumasok sa kitchen, pinaghanda siya ng makakain.Pinapanuod ko naman ang bawat subo nito.
"Masarap siguro k.u.main kapag kasabay ang mga kaibigan noh?"
"Oo naman."
"Ganoon,kaya pala busog na busog ka."
"Hindi ko alam na mapapaga ang uwi namin.Hindi na rin kita na tawagan kasi dito lang naman ako hinatid ni Clarissa.Sa susunod,isasama kita sa paglabas namin ng kaibigan ko."
"Mas mainam 'yon." Pagsang- ayon niya.
"Bukas pala nag-aaya si Nixon sa warehouse nila sa cavite."
"Sasama ka?"
"Magpapaalam pa ko kina Nanay."
"Inaaya nga ko ni Blaze, dahil may konting salu-salo raw doon."
"Ganoon? Sasama ka?"
"Kung kasama ka."
"Okay,sumama tayong dalawa para makasama mo rin mga kaibigan ko."
"Mainam 'yan." Napagmasdan ko maigi ang kanyang mukha.Sobrang gwapo talaga niya.Sana nga siya na talaga ang para sakin, sana totoong mahal nalang talaga niya ko para wala na kong problema.
"Bakit ganyan mo ko tignan?" Inalog-alog ko pa ang ulo.
"Wala naman.Busog kana ba? Hintayin nalang kita sa sala." Iniwan ko nalang siyang bahala sa mga pinagkainan niya.Nanunuod ako ng dumating muli si Amir tapos tinabihan ako sa sofa.
"Busog. Ang sarap matulog.Hindi ka ba inaantok?"
"Medyo.Ihahatid mo na ba ko?"
Tumingin siya sa relo."Maaga pa.Sa kwarto nalang tayo ,may mga movies si t.i.ta doon magsasawa kang manuod."
"K-kaninong kwarto?"
"Sakin."
"Bakit may kwarto ka rito?"
"Masama? Mas Matagal pa nga ko mag-stay dito kaysa samin eh."
"Ganoon?"
"Tara." Hinila niya ko paakyat ,pumasok kami sa kwarto niyang napaka bango at ang linis.
"Ang ganda ng kwarto mo.Hindi ka ba madalas dito?" Naupo ako sa sofa.
"Gaya ng sabi ko mas madalas ako rito." Biglaan naman itong naghubad ng T-s.h.i.+rt kaya todo iwas ako ng tingin sa kanya.
"P-paano ba buksan yong Flat screen nyo? M-manunuod na ko." Sa TV at remote ang buong atensyon ko.
Binuksan nito ang TV ,mabuti nagbihis siya.Pinili niyang movies na English,parang halos lahat naman English ang pinapanuod niya.Hindi na nga uso ang DVD dahil USB ang gamit namin ngayon.
Nahiga si Amir sa kama."Mas komportable kung dito ka mahihiga habang nanunuod."
"Okay na ko rito,baka madumihan ang bedsheets."
"Dali na,qng layo ng sofa sa TV oh?"
Tumayo ako at Dahan-dahang naupo sa kama.Isinandal ko ang aking likod sa kama habang ang paa ko ay naka haba.Ang lambot ng kama niya tapos ang bango-bango pa ng sapin at unan.Tahimik lamang kaming nanunuod ,nararamdaman ko naman na parang babagsak na ang mata ko kaya pumikit na ko.
Sa pagmulat ng aking mata.Nakabukas pa rin ang TV ,yun pa rin ang palabas ngunit si Amir ay natutulog na rin.Giniginaw naman ako sa lakas ng aircon,hindi ko naman alam kung paano hinaan 'yun,kinuha ko ang k.u.mot na nasa gilid ko at binalutan ang buong katawan ng k.u.mot. Mas naging komportable na ko,ipinikit kong muli ang mata para matulog. Alas tres palang naman ng hapon kaya may ilang oras pa para makaidlip.
Sa muling pagdilat ko.Sobrang dilim ng paligid ng kwarto.Wala ng liwanag mula sa TV marahil ay nakapatay na ito.Wala ring liwanag tanaw sa bintana. Babangon sana ako ng naramdaman kong may naka yakap sakin.Sobrang bilis ng kalabog ng puso ko ,parang nag hahabulan na naman ang mga alaga kong pusa't daga.Gumalaw siya,mas mahigpit itong yumakap sakin.Ang buo niyang katawan ay mainit ,siguro ...mainit lang pakiramdam ko dahil nilalagmig na ko kahit makapal naman ang k.u.mot.Ginigising ko siya,ngunit ang tagal bago ito magising.
"Amir,Amir...."
"Uh..."
"Babangon ako,gabi na."
"Ha!!!?!" Nagulat yata siya sa sinabi ko kaya b.u.malikwas ito.Tanging anino lang niya ang nakikita ko bago niya buksan ang ilaw at k.u.malat sa buong kwarto.
"Alas syete na?!!" Mabilis akong tumayo at inayos ang buhok.Sa kakamadali ko na dulas ako sa rug pero mabilis naman akong nahila ni Amir.
"Wag ka nagmamadali.Ihahatid naman kita sa bahay nyo.b.u.maba na tayo para k.u.main." Pupungay pungay ang mga mata niya habang nakangiti sakin.
"Uuwi na ko,baka nag-aalala sina Nanay sakin."
"Okay Sige.Hintayin mo ko maghihilamos lang ako." Pumasok siya sa Cr.
Saglit lang,b.u.maba na kami.k.u.makain na ng hapunan sina Ma'am at Blaze ng b.u.maba kami.
"Ilang rounds ba?" Biro ni Blaze,siniko siya ni Ma'am Faustino.
"k.u.main na kayo,pumasok kasi ako kanina sa kwarto mo Amir.Pareho kayong tulog kaya pinatay ko na 'yong TV."
"Pasensiya na po Ma'am ,naka tulog pa ko."
"Wala namang problema roon,k.u.main na kayo."
"Mauuna na siguro ako ma'am baka nag-aalala sina Nanay sakin eh."
"Hindi ba nila alam na magkasama kayo?"
"Alam po."
"Hindi naman siguro mag-aalala nang husto 'yon dahil alam nila kung sino kasama mo.k.u.main na kayo,sasama ako kapag ihahatid kana pauwi."
Wala rin naman akong ibang nagawa kundi k.u.main kasabay nilang tatlo.
Gaya ng sabi ni Ma'am sumama nga siya sa paghatid sakin.Hindi naman nagalit sina Nanay at Tatay dahil kasama namin si Ma'am Faustino. Nag-usap na rin sila tungkol sa scholars.h.i.+p ko, ibibigay niya hanggang sa pagcollege ko.Tuw.a.n.g-tuwa nga sina Nanay at Tatay, napakalaking tulong nga raw samin ang ganitong opportunity na binibigay saamin.
"Basta lagi mo agapan ang grades ha Klea? Mag-aral kapa rin ng mabuti kahit may isang lalake diyan na lokong-loko sayo." Ngingisi-ngising sambit ni Ma'am.
"Hindi ko po pababayaan ang pag-aaral." pangako ko sa kanilang lahat.
Nagpaalam na rin sina Ma'am at Amir.Nahiga na ko at nag isip na naman..
Antok na antok talaga ako,hindi ko na talaga namalayan na maaga pa ko nakatulog.
Paggising ko ng alas kwatro ng madaling araw,ang daming missed calls and Texts mula kay Amir, plus kay Nixon and Clarissa.Tinatanong ng dalawa kong Kaibigan kung nakapag paalam nga ba ko para makasama sa cavite.Ang usapan ay alas singko ang alis.Si Amir naman ay may text sakin mula kagabi hanggang alas dos ng madaling araw.Wala akong nireplyan ni isa sa kanila,bagkus ay lumabas ako ng kwarto para makapagpaalam Kay nanay.Inabutan ko siya nagluluto ng agahan.
"Nay,ang aga mo naman mag luto."
"Morning anak.Oo,may bisita kasi tayo."
"Sino po?"
"Ako." Sabi ng kung sino.
"Anong ginagawa mo rito? Napakaga mo naman magpunta."
"Hindi mo ko nirereplyan kagabi,hindi sinasagot ang tawag ko.May usapan tayo 'di ba na sasama tayo sa warehouse nila Nixon?"
"Eh 'yon nga,hindi pa ko nakakapagpaalam. " tumingin ako kay Nanay.
"Pinagpaalam kana ni Amir samin ng Tatay mo.Maligo kana,at k.u.main na kayo para makaalis kaagad.Tumawag sakin kanina lang si Clarissa at Nixon tinatanong ka,hindi mo raw sinasagot ang tawag at text nila."
"Ang sarap kasi ng tulog ko."
"Dadaanan ka daw nila rito."
"Sige po,maliligo muna ko.Amir,wait lang ah?"
"Sige lang may kalahating oras kapa naman para mag-ayos ng gamit."
Tumungo na ko ng kwarto.Inayos ko ang mga gamit ko tapos tsaka naligo.Wala pa naman kalahating oras ay tapos na ko sa lahat.k.u.main kami nila Nanay ,Tatay at Amir ng sabay- sabay,matapos kaming lahat ay siyang dating nila Blaze ,Nixon at Clarissa. Inaasahan na siguro ni Nixon na kasama si Amir dahil hindi naman ito na gulat nang sabihin kong kasama kaming dalawa.
Si Blaze,nagdrive ng kotse ni Nixon, habang sa tabi niya si Clarissa na kanina pa niyang inaasar.Hindi ko nga maintindihan ang usapan nila dahil ang haba ng asaran.
Nakagitna naman ako kina Amir at Nixon sa backseat. Panay daldal si Nixon tungkol sa warehouse ng t.i.to at t.i.ta niya.Meron pa nga raw doong swimming pool na pang private lang talaga. Mabuti pala may mga extrang damit akong dala.
Nagmarating namin ang Cavite ay manghang mangha ako sa warehouse na nakapaligid dito ang nga sunflower ,yung private pool nasa kabilang dulo.Yakap ako ni Clarissa habang namamangha rin sa nakikitang sunflower. Favorite kasi niya ang mga sunflowers.
"Ipasok muna natin sa private room 'yung nga gamit natin." Wika ni Nixon samin.
Sinundan namin siya papasok ng warehouse. Bubungad kaagad dito ang mga finished product na sofa bed, foam at ibang gawa sa foam.
Sa dulo nun ay may limang pinto na magkakahilera.Pinapasok kami sa isang kwarto ni Clarissa,habang sa kanilang kwarto sina Amir at Blaze.Maganda ang loob ng kwarto,.ay aircon at dalaw.a.n.g bed doon.Tuw.a.n.g tuwa nga si Clarissa dahil may flower vase sa mini table at sunflower ang nakalagay dito.
k.u.matok si Nixon,lilibutin namin ang buong warehouse.Sa kabilang banda naman ang pool area,nandoon ang mga ibang kamag-anak ni Nixon, bilang lang naman ito pero halatang mayayaman dahil sa kanilang kasuotan.Ako lang pala ang hindi mayaman dito.Halos lahat ng kasama ko maraming pera ako maraming tawa HAHAHAHA.Hindi nga lang ako nakapagdala ng jacket,hindi ko inaasahan na medyo malamig dito.
"Suotin mo 'to." Ibibigay sana ni Nixon ang Jacket pero na unahan siya ni Amir magsuot sakin.
"Salamat Nixon sa offer." Ngumiti naman ito tapos hinila ni Amir palayo.
"Aayain sana kita mag-Swimming kaso nilalamig ka naman." Sabi niya.
"Siguro mamaya nalang." Naupo kami sa gilid ng pool habang ang paa namin ay nakalusong sa tubig.
"First time?" usisa niya
"Ang alin?"
"Magpunta sa cavite."
"Oo weh,hindi ko alam na malamig dito." Naka smile naman ako.
"Malapit lang kasi tagaytay dito."
"Talaga? Wow."
"Oo."
"Sayang may pasok na tayo bukas eh.Bitin ang pagpunta rito kasi mamayang hapon din uuwi tayo."
"Kapag maaga tayo makauwi, punta ka muna sa bahay nila Ma'am Faustino ha."
"Ahh."
"Ihahatid naman kita,lagi mo 'yan tatandaan."
"Sige." Inakbayan niya ko.
Sa katahimikan ay nagt.i.tigan lamang kami at ngitian.Ang sarap magmahal na mahal ka rin ng taong mahal mo.Sana wag ng b.u.malik sa dati ang lahat kasi diko na yata kakayanin kung iwasan pa niya ko.
May tumulak sakin sa pool.Muntik ko na talagang makalimutan na hindi pala ako sanay lumangoy nasa six feet ang lalim nito,hindi ko alam kung paano pa ko aahon dahil saglit lamang akong nakakaahon habang naghahabol ng hininga.Naririnig ko ang sigaw ni Clarissa na tulungan ako at si Amir naman ay pigil ng dalaw.a.n.g lalake na parang mga guard.Hirap na hirap na ko,gusto ko ng sumuko pero may humila sa leeg ko papalapit sa gilid ng pool. Pinagtulungan nila akong buhatin paitaas at halos hindi ako makahinga ng kausapin ako ni Nixon na basang-basa na rin.
"ayos ka lang ba Kleaaaa?" Uubo-ubo akong hirap makahinga.
Ngayon ko lang napagtanto kung sino ang gumaw.a.n.g tumulak sakin sa pool.Ang Mommy ni Amir ,masama ang tingin sakin kasama si Leny.Hawak pa rin si Amir ng dalaw.a.n.g bodyguard.
"Bakit mo ginawa yon?!" Galit na sabi ni Nixon kay Leny.
"Dapat lang sa kanya 'yan! Malandi siya at mang-aagaw!" NakaCross arm ito,habang painsultong nakatingin saakin.
"Umuwi na tayo Amir ,mag usap tayo sa bahay!" Bulyaw nito sa Anak.
"Mom! Hindi,hindi ko iiwan dito si Klea."
"Sumusuway kana sakin ngayon?! Ha!"
"Wala akong pakialam! Bakit ba nandito ka?"
"Concern lang ako sa sinumbong ni Leny sakin."
"Kailan kapa naging concern?! Ikaw ang umuwi ,isama mo 'yang babae 'yan!"
Isang sampal ang dumapo sa pisngi ni Amir.
"Bastos ka ah! Sige,bitbitin nyo ang lalakeng 'yan!" Utos sa mga bodyguards.
Tumayo ako para pigilan ang mga bodyguards.
"Ma'am,please,wala naman po kaming ginagaw.a.n.g masama."
"Hoy babae! Pwede ba umalis ka diyan,kung ayaw mong malunod ka ulit sa pool !!" Si Leny
"Bestfriend,tara na.Hayaan mo ng kunin si Amir ng kanyang Mom." Bulong sakin ni Clarissa.
"Klea,ttawagan kita.Wag mo kong intindihin.Mag-ingat kayo pag-uwi."
Dahan-dahan, inalalayan ako ni Clarissa papunta sa warehouse. Iyak naman ako ng iyak ng hindi ko maunawaan kung bakit.Yung dapat hapon pa kami uuwi ay saglit lang, b.u.miyahe kaagad kami.Wala na kong kibo ng ihatid nila sa bahay. Diretso ako sa kwarto namin ni Jomel.
Umiyak lang ako at umasang tatawagan niya.Sumapit ang alas singko ng hapon tumatawag sakin si Ma'am Faustino. Pinapupunta niya ko sa bahay nila, pero hindi sinabi kung bakit ,nagpahatid ako Kay tatay para hindi na rin ako mamasahe pa.
"Pasensiya na kung biglaan kitang pinapunta."
"Bakit po ba Ma'am Faustino?"
"Tumawag kasi sakin ang Mommy ni Amir. Nagagalit sakin kung bakit ko raw kinukunsinti si Amir sa lahat ng mga kalokohan niya."
"Ma'am,sorry po,kung pati kayo nadadamay samin ni Amir. Kung pagbabawalan nyo po kami,tatanggapin ko.Nauunawaan kong madadamay kayo."
"Hindi kami close ng Mommy niya.Mali naman siya kung ayaw ni Amir kay Leny,dapat respetuhin nya ang desisyon ng anak nya."
"Sorry po talaga."
Narinig naming b.u.muhos ang napaka lakas na ulan sa labas.Nagkatinginan kami at tumulong akong kunin ang mga sinampay ni Ma'am sa likod bahay nila.Basang-basa kaming pareho pero tawa nang tawa.
"Ituloy mo na 'yang pagligo mo Klea, baka magkasakit kapa.May mga damit naman ako rito pahihiramin nalang kita."
"Sige po."
"Sa kwarto ni Amir ,doon kana lang maligo at magbihis."
Sinunod ko naman ang mga sabi niya.Ang tagal kong maligo dahil nasa bath tub ako,medyo maligamgam ang tubig.Nakaahon lang ako ng makaramdam ang tiyan ko ng gutom.Sa pagbaba ko sa kusina nila ay naghahain na ng hapunan si Ma'am,marahil ay siya lang talaga ang nakatira rito.Naiisip ko palang ang lungkot na nag iisa sa malaking bahay na gaya nito.
"Bagay sayo ang damit." Puri niya sakin.
"Salamat po,ibabalik ko rin po kaagad ito. Uuwi rin ako kapag tumila na ang ulan."
"Sige,pero bago 'yon k.u.main muna tayo.Alas otso na kasi."
"Ho? Agad-agad po?"
"Oo,ang tagal mo yatang naligo."
"Ganoon na po ba ako katagal maligo."
"Oo,tara kain na tayo."Habang k.u.makain di ko naiwasan na magtanong.
"Ang daddy po ni Amir ang kapatid nyo?" Usisa ko.
"Yes.Nag-iisang anak lang din si Amir. Sa totoo lang Klea ,napilitan lang naman ikasal si Kuya sa Mommy ni Amir."
"Bakit po?"
"Nabuntis ni Kuya ,dahil doon napilitang ikasal ang dalawa."
"Hindi po mahal ng Daddy ni Amir ang Mommy niya?"
"Ganoon na nga.Ewan ko ba,bigla kasing sumulpot yung babaeng 'yon at sinabing buntis siya,si Amir nga iyong anak daw nila."
"Ibig pong sabihin may chance na hindi talaga anak ni t.i.to si Amir?"
"Maybe pero napakabuting bata ni Amir. Nakuha niya ang ugali ng kuya ko."
"Nagsasama pa po ba sila?"
"Oo,kaya lang laging nag-aaway,kaya madalas nandito si Amir para magpalipas ng war ng mga magulang niya.Kawaw.a.n.g bata,naiipit sa problema ng mag-asawa."
Akala ko perfect ang pamilya niya pero sa kabila pala ng pang-aasar at pananakit niya sakin noon ay dala siyang problema.
"Mukhang hindi na t.i.tila ang ulan.Tatawagan ko ang mga Nanay at Tatay mo para dito na kita patulugin.May mga bago akong uniform diyan na hindi na bili ng ibang estudyante bibigay ko nalang sayo para may susuot ka papasok sa school."
"Sige po,magtetext na rin ako sa kanila para alam nilang nandito nga ko."
Tumayo ito at may dinayal sa telephone.Pagkaraan ay k.u.main muli.
"Pumayag sila dito ka matulog.Kahit doon kana matulog sa kwarto ni Amir. Hindi naman pupunta rito 'yun,bantay sarado ng Mommy niya."
Napa buntunghininga nalang ako dahil sa lungkot na nadarama.Iniisip ko palang baka nasasaktan si Amir dahil hindi niya ko matawagan at matext man lang.
Tinulungan ko nalang siya maglinis sa kusina.Pagkaraan ay pinaakyat na niya ako sa kwarto.Nanuod ako ng TV ngunit wala naman mapanuod ng maganda,pinatay ko nalang. Kahit ang dami nilang pambayad sa kuryente, sayang pa rin ang pera. Syempre, si Ma'am Faustino 'yan eh,dapat akong maging mabait sa gaya nyang huwaran na guro.
Tinext ko ang aking boyfriend, kahit alam kong walang reply.
** I miss you **
Pumikit ako at naramdaman ang beep ng cellphone.
** Nasaan ka? **
Nireplayan ko kaagad ngunit na ubusan naman ako ng load. WRONG TIMING.BADTRIP.
Nakatulog ako dahil alam kong wala ng pag-asa pa.Nakaramdam ako ng lamig kaya ng babangon ay---ay may nasipa ako.
"Aray." Boses ni Amir 'yon ah?
"Amir??"
"Ang sakit mo sumipa." Reklamo nito, habang b.u.mabangon sa paanan ko.
Ang liwanag sa labas ng bahay ang nagsisilbing liwanag sa kwarto.
"Tumakas ka?"
"Hindi.Maghapon lang akong nasa bar ng Daddy ni Blaze.Ayon,maghapon kaming umiinom."
"Maghapon?"
"Oo,natakasan ko ang mabait kong Mommy.Nakipagkita ako kay Blaze ,nang malaman kong nakuwi kaagad kayo kahapon."
"Uminom ka nang sobra?"
"Sorry,gusto ko mawala lang ang problema sa magaling kong Mommy." Panay pakawala siya ng malalim na hininga
"k.u.main kana ba?"
"Hindi ako na gugutom." Humiga siya sa tabi ko kaya lumayo ako ng bahagya."
Hinubad ko ang kanyang sapatos.Natutulog na yata siya ng lapitan ko.Kinuha ko ang isang k.u.mot at inilagay sa kanyang katawan.Naglagay ako nang harang na dalaw.a.n.g unan sa gitna upang wag kami magkatabi.Nagk.u.mot ako, tumalikod sa kanya.Laking gulat ko ng yumakap siya sa akin,iisang k.u.mot nalang pala ang gamit namin.Wag, wag lang sya magkakamali.Hindi ako maka hinga,hindi ako makalingon dahil sa sobrang kaba.Kinakabahan ako dahil lasing siya,at ayokong dumating sa point na may mangyari samin dahil masyado pa kaming mga bata.Dumagan siya sakin habang nakat.i.tig.Dinig na dinig ko rin ang pagkalabog ng puso ko.
"amir..."
"Sorry,hindi ko naman hahayaan na gawin 'yong iniisip mo.Bata pa tayo Klea at hindi pa kita Girlfriend."
"Tama ka,matulog na tayo."
"Sige." Umalis siya sa pagkakadagan,'di ko inaasahan na bago ko tumalikod ay inangkin niya ang aking labi.
Sa pangalaw.a.n.g pagkakataon hinalikan niya ko,ngunit hindi gaya nung una ,ngayon ay gumagalaw ang labi ko kahit hindi naman ako sanay humalik.
"First kiss kita." Bulong ko at muli niyang angkinin ang labi ko.
Ang sarap kapag first kiss. May kaba,at takot. Ganoon pala ang feeling kapag ikaw na ang nasa kalagayang nilalasap ang unang halik.
Potion Of Love 13 Chapter 12
You're reading novel Potion Of Love 13 Chapter 12 online at LightNovelFree.com. You can use the follow function to bookmark your favorite novel ( Only for registered users ). If you find any errors ( broken links, can't load photos, etc.. ), Please let us know so we can fix it as soon as possible. And when you start a conversation or debate about a certain topic with other people, please do not offend them just because you don't like their opinions.
Potion Of Love 13 Chapter 12 summary
You're reading Potion Of Love 13 Chapter 12. This novel has been translated by Updating. Author: Ayieshien1991 already has 1198 views.
It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.
LightNovelFree.com is a most smartest website for reading novel online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to LightNovelFree.com
- Related chapter:
- Potion Of Love 12 Chapter 11
- Potion Of Love 14 Chapter 13