Potion Of Love 24 Chapter 23

You’re reading novel Potion Of Love 24 Chapter 23 online at LightNovelFree.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit LightNovelFree.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy!

Suliranin

Hindi nakontento si Amir ,binalikan pa niya si France para akmang sasapakin pero humarang na si Blaze.Masama ang tingin nila sa isat-isa na parang may away na namamagitan sa dalawa.

"Ang lakas naman ng loob mong saktan ang kabanda ko?" Maangas na diin ni Blaze.

"Wala akong pakialam,sino ba nakisip dito na magpunta ka?" Sakin na lahat ng atensyon.

"Mag-usap tayo sa labas Amir,wag dito." Mahina kong sabi.

Nauna akong lumabas,marami man akong nakakasalubong ay hindi ko nalang inintidi.

"Ano klea?!"

"Pwede ba hinaan mo lang 'yang boses mo?" Pakiusap ko rito.

"Naiinis ako."

"Inaya lang naman ako nila Nixon, at Clarissa para magdinner."

"Sa ganitong lugar?" Sabay turo sa loob."At pagkatapos ano? iinom ka? malalasing,tapos ano? Kung sino-sino lalakeng aayain ka makipag-date."

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin?" Iritable kong tanong.

"Dahil pwede naman sa iba kayo k.u.main, makikita ko pang nakipagkamay kapa sa buong banda nila Blaze at inakbayan,sino ba matutuwa roon?"

"Tumigil kana,wala namang kwenta 'yang mga sinasabi mo."

"Klea,boyfriend mo ko.Natural na mag-alala ako sayo,hindi ka nga nagpaalam sakin na aalis ka,kaya ng dumating ako sa bahay nyo wala ka,

tapos ganyan pa aabutan ko."

"Nag-aalala ka ba o nagtatamang-hinala?"

"Nag-aalala ako."mariin nyang tugon.

"Hindi ganoon ang balik sakin eh.Nagagalit ka kasi may nakipagkilala sa akin na ibang tao, masama na ba 'yon? Masama na ba makipag-usap sa iba?"

"Hindi ganyan ang ibig ko."

"Pero ganoon ang pagkakaintindi ko!" Bulyaw ko.

b.u.muga ito ng hininga."Okay,sorry.Oo na,nag tamang hinala na ko sayo, nang hindi kita nakita sa bahay nyo.Inisip kong may kasama kang ibang lalake kaya ganoon nalang ang galit ko ng makita kang maraming kasama."

"Ede umamin ka rin? Hindi ko naman gagawin sayo 'yon eh."

"Sorry na Love." Mahina niyang sambit.

"Wag mo na lang sana uulitin."

Inilahad nito ang kamay."Pasok tayo sa loob,sasamahan kita."

"Mas mainam siguro kung humingi ka ng sorry sa kanila."

"I'll try."

"Anong I'll try ka diyan!" humalakhak pa siya bago pa kami pumasok sa loob.

Humingi nga ng paumanhin si Amir sa barkada nila Blaze at Nixon, ngunit masama pa rin ang loob ni Blaze dahil hindi nito kinikibo si Amir.Magkatabi kami ni Clarissa habang sa kabila si Amir.

"May nakakapagtaka naman sa dalawa." Sabi ni Clarissa.

"Sinong dalawa?" Usisa ko naman..

"Blaze and Amir.Hindi mo ba napapansin? Hindi sila nagkikibuan."

"Baka naman wala lang silang mapag-uusapan."

"Hindi rin,madaldal si Blaze 'di ba? Hindi nga 'yan nauubusan ng kwento eh."

"Baka naman sa dami natin dito kaya hindi sila nagkikibuan."

"Hay na ko Klea," Inubos kaagad nito ang isang boteng alak.


"Tama na yan ah?" Saway ko.

"Ang daya mo naman,uminom kana." Utos sa akin.

"Nandito si Amir."

"Ano nga pala nakita mo sa ugali ni Amir?" Seryoso nyang tanong.

"Maadami na rin,tulad na rin pagiging sobrang seloso niya.Kung minsan nga nakakapikon na eh."

"Malas mo,napunta sayo ang lalakeng seloso.Grabe,ganoon pala si Amir? Kilalang playboy pero kung magselos daig pa mamamatay.Ingat ka,minsan ang selos nakakasira 'yan ng relasyon."

"Hindi ko naman hahayaan na mangyari 'yon.Umiiwas ako sa bagay na ikakaselos niya."

"Eh ang tanong siya ba may tiwala sayo? Sabi mo nga 'di ba sobra sa pagkaselos kahit kanino ka madikit na lalake.Yung kanina nga lang eh grabe yung galit niya kay France."

"Basta, lagi ko lang ipaparamdam sa kanya na siya lang ang lalake sa buhay ko.Hinding-hindi ako gagawa ng bagay na ikagagalit niya sakin."

"Okay,sana lang talaga huwag ka niya paghinalaan sa bawat gagawin mo."

"Hayaan natin siya.Malay mo naman,magbago na 'yon ng dahil sakin."

"I hope so."

Tinanaw ko muna ang daan patungong Cr.

"Cr lang ako."

"Bilisan mo,walang aalalay sakin."

"Dami kasing ininom,wait lang." Kinuha ko ang sling bag.

Humawi lahat ng tao ng dumaan ako.Alam yata nilang patungo akong Cr, pero bakit kaya ako parang lasing na rin? Ganoon ba yon kahit naaamoy mo lang ang alak ay nalalasing kana?Kalokohan...

Umihi lang ako saglit tapos nag polbo na rin at lipstick.Nag wisik ng pabango dahil parang k.u.mapit na rin ang amoy ng alak sa katawan at damit ko.Paglabas ko sa Cr ay may humila sa akin na kung sino.Kaagad nya kong Idinikit sa kanyang katawan pa dikit sa pader.Amoy na amoy ko ang bibig nito na amoy alak na halos maningkit ang mata niya sa pagt.i.tig sakin.

"Lasing kana wah?" Hinaplos ko ang pisngi dahil basa ito.

"Saan ka ba galing?" Usisa niya.

"Sa Cr."

"Lasing na si Clarissa."

"Ihatid na natin." Tumingin ako sa orasan ng Cellphone."Anong oras na rin.Baka mag-alala na sakin sina Nanay."

"Sandali lang." Hinigpitan nito ang yakap sa beyw.a.n.g ko.

"Nixon bakit ba?" Pilit akong lumalayo.

"May sasabihin sana ako sayo."

"ano naman 'yon?"

"Gusto ko kasi n--"

"Na?"

"Na mag-ano---"

"Ano?"

"Mag Cr." Binitawan niya ko tapos pumasok sa Cr.

k.u.matok ako sa pinto ng Cr."Nixon,may gusto ka bang sabihin?"After 10 seconds lumabas ito, basa na ang kanyang mukha.

"Kaya pa ba?" Nangingiti kong tanong.

"Oo naman,tara ihatid na natin."

"Kotse mo nasaan?"

"Dala ko."

"Eh paano 'yon? Dala ni Clarissa ang kotse niya? Paano yon?"

"Ako na maghahatid kay Clarissa." Siyang dating ni Blaze.

"Wala kang dalang kotse?" Usisa ko.

"Wala,kapag kasi alam kong nag-aaya ng inuman ang banda hindi ako nagdadala." Tugon ni Blaze.

"Ah Sige,ikaw na nga ang maghatid sa kaibigan namin.Kaya ba? Baka naman b.u.mangga kayo." Nag-aalala kong wika.

"Hindi naman ako gaano uminom.Kaya pa naman,nasaan ba siya?"

"Nandoon sa table natin."

"Sige." Kaagad niya kaming iniwan ni Nixon.

"At ikaw? Sino maghahatid sayo?" Usisa ko rito na nakasandal na sa pader.

"Kaya ko naman Bestfriend----- Magpapahinga lang ako sandali,mauna na kayo umuwi ni Amir."

"Hindi kita iiwan dito,baka mamaya mapagtripan kapa sa labas."

"Hinahanap kana ni Amir."

"Hindi nga kita iiwan,sabay-sabay na tayong uuwi."

"Nakamotor lang yata si Amir."

"Nagmomotor siya?"

"Parang hindi mo naman alam." Nakayuko nitong satsat.

"Hindi ko pa kasi siya nakikitang magmotor."

"Sa akin kana sumakay,ayokong sumakay ka sa motor,marami na aaksidente sa ganoon."

"Nasa nagdrdrive lang 'yon."

"Lasing na rin kaya si Amir. Tingin mo ba makakapag-drive pa siya nang maayos?"

Nag-isip ako bago nag-nod.Inakay ko si Nixon,para lumabas at tignan kung nakalis na ba sina Blaze,pero naka dukdok pa rin si Clarissa sa table namin habang si Blaze ay nakikipag-usap sa kabanda niya.

Lumapit ako sa kanila."Blaze,hatid mo na.Magpapawala lang ng lasing si Nixon,para makapag drive ng maayos pauwi."

"Love." Palapit si Amir. "Tara na."

"Hindi sasabay si Klea." Siwalat ni Nixon kay Amir.

"At bakit?"

"Nakmotor ka."

"So?"

"Mabuti na 'yong nag-iingat."

"Bakit sa kotse mo ba magiging ligtas ang girlfriend ko na bestfriend mo?"

"In the first place ,mas magiging mabuti kung sa akin na siya sumakay dahil mahirap magdrive na nakinom tapos single pa idrdrive mo."

"Ikaw din naman lasing na pero magdrdrive kapa."

"Oooopssss !Tama na,okay? Ayan na naman kayo eh." Awat ko."Kay Nixon na ko sasabay, magpapawala lang siya ng lasing para makaalis na rin kami,at ikaw naman Love mamaya kana rin umuwi."

Hinawakan ni Amir ang kamay ko."Mag-usap nga tayo."Hinila niya ko palabas ng Food Park.

"Sino ba boyfriend mo samin?" Iritable niyang tanong sakin.

"Ikaw."

"Oh,bakit sa kanya ka sasakay?"

"Amir ,iniisip lang naman ni Nixon ang safety ko."

"Kahit na,hindi ko naman hahayaan na mapahamak ka ng dahil sakin."

"Salamat. Sige na,magpawala ka muna ng lasing bago umuwi."Lumabas na sina Blaze at Clarissa.

"Best! Mauna na kami ni Blaze ah? Bahala kana,magkita nalang tayo bukas----Byeeee.." Parang hindi naman lasing,ang bruhang ito.

"Hatid ko na 'to." Paalam sakin ni Blaze,hindi nga tumingin kay Amir.

"Umuwi na tayo,nagtext sakin si Jomel." Hawak niya kamay ko para magtungo sa parking lot.

"Sigurado ka ba Love?"

"Trust me." Nilapit niya ang mukha namin sa isat-isa."Kiss me love."

Gusto ko sanang tumutol kaya lang mabilis niyang hinagkan ang labi ko.Nung una hindi ko maigalaw ang labi dahil sa kaba pero sa katagalan ay ako na mismo ang may gusto sa ginagawa niyang paghalik.

"Love." Tawag niya namin mag halikan.

"Yes love."

"May surprise ako sayo."

"Ano?"

"Surprise nga 'di ba? Kung sasabihin ko sayo hindi na 'yon surprise."

"Oo,nga pala."

Sabay kami napalingon ng may apat na lalakeng nakikot sa kinatatayuan namin.

"May problema ba?" tanong ni Amir sa mga ito.Tumingin ang isang lalake na tingin ko siya ang leader dito.

"Meron.May nakapagsumbong kasi sakin na sinaktan mo ang kapatid ko." Matapang na tugon niya Kay Amir.

"Sinaktan?" Naguguluhang tanong ni Amir.

"Oo,sinaktan, sinapak."

Doon ako napaisip na maaaring yung kapatid na tinutukoy niya ay si France na kabanda ni Nixon,at Blaze. Tumingin sakin si Amir para utusan akong umalis na para hindi na rin madamay sa kung ano pwedeng mangyari.

Lumapit ito Kay Amir na kaagad sinapak sa mukha.Napasigaw ako ng itayo ko si Amir.

"Umalis kana Love,baka madamay kapa rito.Kaya ko na 'to."

"Anong kaya? Apat sila ,isa ka lang."

"Ako pa ba?" Nakangisi nyang angas.

"Pwede ba,minsan nga alisin mo yang kayabangan mo? Tingin mo ba papayag akong hayaan lang kita rito." Naiinis kong sabi.

"Lumayo kana lang,please." Pakiusap nito.

Tumayo siya para harapin ang apat.Nakipagsuntukan ito, kahit alam niyang iisa lang siya at apat ang makakalaban nito.Tumakbo kaagad ako sa loob ng Food Park.

"Nixon!" Hingal kong tawag.

"Bakit?" Tila na himasmasan na yata ito sa kalasingan

"Si Amir----tulungan nyo..Pinag---Pinagtutulungan siya ng kapatid ni--Ni France."

"Si kuya?" Gulat na gulat na tanong ni France ng marinig ang sinabi ko.

"Nasaan sila?" Si Nixon, nag lalakad palayo.

"Parking lot!" Hahabol sana ako pero pinigilan lamang ako ng isa nilang kabanda na wag nang sumunod.

"Boyfriend ko ang pinagtutulungan nila."

"Pero babae ka,baka madamay ka roon,kami na bahala." Sabi nito.

Wala na rin akong na gawa kung hindi maghintay sa kanila rito sa loob ng food park.Kinakabahan ako sa maaaring mangyari baka mapano si Amir.

Potion Of Love 24 Chapter 23

You're reading novel Potion Of Love 24 Chapter 23 online at LightNovelFree.com. You can use the follow function to bookmark your favorite novel ( Only for registered users ). If you find any errors ( broken links, can't load photos, etc.. ), Please let us know so we can fix it as soon as possible. And when you start a conversation or debate about a certain topic with other people, please do not offend them just because you don't like their opinions.


Potion Of Love 24 Chapter 23 summary

You're reading Potion Of Love 24 Chapter 23. This novel has been translated by Updating. Author: Ayieshien1991 already has 683 views.

It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.

LightNovelFree.com is a most smartest website for reading novel online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to LightNovelFree.com