Potion Of Love 47 Chapter 46
You’re reading novel Potion Of Love 47 Chapter 46 online at LightNovelFree.com. Please use the follow button to get notification about the latest chapter next time when you visit LightNovelFree.com. Use F11 button to read novel in full-screen(PC only). Drop by anytime you want to read free – fast – latest novel. It’s great if you could leave a comment, share your opinion about the new chapters, new novel with others on the internet. We’ll do our best to bring you the finest, latest novel everyday. Enjoy!
Clarissa's POV
I am a woman with a beautiful face and good body. In the next few days, it would be full wife.Magiging Mrs. ni Blaze. Ugh, walang problema sa'min pagsasama. Ang problema lang ay iyong LOVELIFE ng dalawa kong kaibigan.
Sa totoo lang, nasa akin na ang isang gamot na solusyon. Isang halamang damo na hindi makikitaan ng pagdududa. Iniisip ko kung paano at kailan ko ipapinom ito kay Klea. Dapat yung hindi niya mahahalata sa gagawin namin at dapat relax lang. Hindi ko maaasahan ngayon si Nixon dahil abala ito sa bagong project niya. Syempre, sa akin na rin pinagawa ni Aling Carlota dahil mas makakasama ko si Klea kahit araw-araw.
"Uhmmmm.... Hmmmmm...." seryosong-seryoso ako mag-Yoga pero itong katabi ko panay ang kahol. Hindi yata maganda timpla ng kanyang katawan.
"Best? What happened? Kailan pa iyang ubod mo?" usisa ko habang malumanay na iginagalaw ang kamay.
"Isang linggo na. Parang lumalala pa nga eh. Ilang beses na ko nagpcheck."
"Naku, naku, iba na yan ha? Baka kung anong sakit na dumapo sayo. Pahinga rin kasi pag-may-time."
"Daming schedule eh. Hindi pwede ipcancel. Alam mo na, tatambak ang trabaho kapag pinabayaan."
"Kahit na, kahit man lang ilang oras o araw na pahinga. Tingin ko, kulang na kulang ka sa tulog."
"Ganoon na nga,"
"Ay, hindi pwede yan Klea. Imbis na k.u.mikita ka, kulang pa sa gamot mo. Pahinga rin, okay?"
"Oo,"
"Wag ka rin panay ang inom ng mga antibiotics. Try mo kaya, mga herbal----" tama, herbal yung ibinigay sa akin ni Aling Carlota. Pwede kaya yun? Gagana kaya?
"Herbal?" pansin niya.
"Oo, may alam akong herbal na pwede sa gamot mo. Try natin sayo? Ayon kasi sa saliksik mas epektibo ang gamot kung sa dahon ka dumidirekta."
"Talaga? Ano pangalan ng dahon?"
"Uh. Ano, uhm,nakalimutan ko na. Magpunta ka sa bahay mamayang gabi. Doon ko pakukuluan sa bahay."
"Sa bahay nyo ni Blaze?"
"Oo, doon nga."
"Doon kana ba natutulog?"
"Minsan. Kapag hindi siya natutulog doon, ako ang bantay."
"Talagang sinasanay mo na ang sarili sa puder niya ah? Ayos 'yan."
"Ikaw ba, kailan ba?"
"Matagal pa."
"Anong plano nyo ni Amir?" kinalabit niya ko at b.u.mungad sa harap ko ang suot-suot niyang engagement ring. k.u.mikinang, ang ganda. Halatang mamahalin.
"Nag-propose na siya??"
Nag-nod. "Kahapon, nakita kami ng gabi. Sa restaurant kami nag-usap. Akala ko kung ano sasabihin, iyon pala, ganito ang ibibigay sa akin. Ang sweet 'di ba?"
Taas kilay kong tinitigan ang ring, "Maganda naman, pero mas maganda kung galing 'yan kay Nixon noh,"
"Heto naman. Hindi mo ba kayang magpakplastic man lang na gusto mo siya para sa akin?"
"Hindi. You know me, kapag ayoko sa isang tao,ayoko talaga. Dapat nga, pinag-isipan mo muna bago ka nag-Yes sa propose niya."
"May dahilan ba para mag-isip? Mahal niya ko at mahal ko siya. Ang tagal na rin ng relasyon namin kaya bakit pa patatagalin? Kayo nga ni Blaze, atat na atat na."
"Hoy, ano ka. Hindi ako ganoon." Natatawa kong sabi.
"Hindi nga ba? Kung alam ko lang,"
"Hindi talaga. Siya nga yung atat na atat eh,"
"Oo na nga lang. So, paano? Iiwan na kita best. Magkikita kami ni Amir." inililigpit ang gamit.
"Saan punta nyo?" tumayo ako upang sabayan siya sa paglalakad.
"Kakain sa labas. Baka tumingin din kami ng mga wedding gown na magugustuhan ko."
"Seryoso na ba talaga yan? Ano sinabi nila Nanay, tsaka ng Mama mo."
"Okay sakanila. Wala naman sila magagawa."
"Ahm, Klea," huminto kami pagkalabas sa Yoga studio.
"Bakit?"
"Ippaalala ko lang sayo, mamaya magkita tayo para mawala na yang gayu-- este ang ubo mo."
"Naku, ang Bestfriend ko. Alalang-alala sa pinaka maganda niyang kaibigan."
"Dapat lang. Endangered species kana,dapat kang alagaan."
"Pareho lang kayo ni Nixon! Sige na nga, aalis na ko. Miss ko na magiging asawa ko. Byeeeee..." Nag-yakapan at nag-paalam kami sa isa't-isa.
Tinatawagan ko si Nixon. Sinabi ko sa kanya ang gagawin kong unang plano. Maging si Aling Carlota ay sinabihan niya na magkikita kami ni Klea. Ang tanging paalala niya sa akin ay ipakita kaagad ang picture Nina Amir at Nixon, pagkaraan ay tatanungin ko siya. Doon daw malalaman kung gumana o hindi. Kahit kabado ako sa gagawin ay pilit pinalalakas ko ang loob. Wala naman siguro mangyayari masama sa kanya. Legit naman yata ang paninda ni Aling Carlota. Tinatanong ko na rin kung wala ba masamang epekto ang dahon dahil inuubo nga ito. Pero sabi niya ay mas mainam iyon para gumaling din kaagad ang sakit niya. Ang galing, two in one.
Sumapit ang gabi. Inihanda ko ang dahon na apat na piraso. Dinikdik, at tsaka pinakuluan ng matagal. Dumating siya sa bahay na may dalang bulaklak at chocolates.
"Hi Best! k.u.main kana? May dala akong pagkain. Pinadala niya para sayo."
"Ganoon ba? Pakisabi, salamat." dahil dyan ang bait mo na sa'kin paningin pero syempre, team Nixon kaya ako. Ugh.
"Ito na ba yung pinakukuluan mong dahon?"
"Wag!" bubuksan sana niya pero pinigilan ko. Ang isa pa paalala ni Aling Carlota ay huwag bubuksan ang pinaktakip habang k.u.mukulo. Hayaan lamang na medyo konti matirang tubig sa loob ng kaserola.
"Ay, bawal ba?" Kawaw.a.n.g kaibigan ko, ubong-ubo.
"Oo eh, mamaya na buksan kapag alam natin konti na lang ang tubig." Nag-nod na lang siya at naghintay kami ng tatlong minuto bago malaman na okay na.
Isinali ko ito sa tasa, tsaka inabot sa kanya.
"Mainit pa,palamigin mo ng konti. Dapat kasi medyo maligamgam." paalala ko.
"Okay, hindi ba mapait?"
"I don't know. Siguro naman hindi."
"Ay, hindi mo pa na susubukan ito?"
"Hindi pa,"
"Daya mo Clarissa. Baka mamaya ito pa maging cause of death ko, lagot ka sa'kin."
Humalakhak ako, "Kung iyan ang dahilan ,iinom din ako. Aba, ayokong makulong noh?"
"Ang sweet naman. Sana all,"
"Oh, sige na. Inumin mo na nga nang mawala na yang ano mo--- yang ubo."
Kinaya niya ang init ng gamot. Nung una ay medyo phinto-hinto siya sa paghigop pero mayamaya lang ay diretso niyang inubos.
"Ughhh, ang paaaaaiiitttt...masusuka ako!"
"Wag, hayaan mo lang. Wag kang iinom ng tunog o wag kang kakain ng kahit ano."
"Bakit??" Mangiyak-ngiyak niyang tanong.
"Kasi hindi bibisa ang gamot. Maganda na yung nakaksiguro."
Paalala rin ni Aling Carlota na huwag siya painumin ng tubig at pakainin. Bahagya siyang aantukin kaya kapag lumipas na ang tatlong minuto tsaka ko dapat ipakita ang picture ng dalawa bago siya mawalan ng malay.
"Klea,okay ka lang?" pipikit tapos didilat.
"Medyo, inaantok ako."
"Natural lang yan best." Inilabas ko ang picture. "Klea, sino nga ulit ang boyfriend mo rito?" Kabado kong tanong.
k.u.munot-noo siya habang pinagmamasdan ang dalaw.a.n.g pictures. Malapit na syang mawalan ng malay kaya dapat maituro na niya ang dapat ituro.
"Bakit mo tinatanong. Hindi mo na ba matandaan kung sino boyfriend ko? Ano ka ba naman. Ede ito, Sus."
Sabay turo sa picture ni Amir.
"Sure ka ba Bestfriend?"
"Tsk, hoy, ano ba akala mo sa'kin lasing, bulag? Si Amir nga oh, si Amir. Uhm, Best, pahinga muna sa kama nyo ha? Inaantok na talaga ako."
Pumasok sa kwarto namin at Inihagis ang sarili sa kama.
Operation : Medicine in magnetism is FAILED!
"HINDI EPEKTIBO?" Bungad sa'kin ni Nixon ng magkita kami sa site nila.
"Hindi nga. Tinatanong ko si Aling Carlota, ang sabi niya, baka hindi iyon ang perfect para sa gayumang ginamit sa kanya."
"Kung hindi kaya sa Plan A. Doon tayo sa Plan B."
"May gagawin kapa ba?" Usisa ko.
"Meron pa. Hanggang mamayang gabi pa ko rito. Bakit?"
"Pupuntahan sana natin si Aling Carlota para tanungin kung ano ang Plan B natin."
"Ah, Muntik ko nang makalimutan." may kinuha sa bulsa na papel.
"Ibinigay niya sa akin. Ipbanggit mo raw sa kanya yan ng tatlong beses habang nakaharap sa salamin at may dalang puti at itim na kandila."
"Tapos?" nakanguso kong tanong.
"Pagkatapos ippatay ang kandila, kapag pinatay na niya ang kandila tsaka mo rin ibubulong sa kanya ang sinabi niya sa harap ng salamin ng tatlong beses. Kailangan tatlo wah? Nakapikit siya habang binubulungan mo.Tsaka ka raw pumitik sa daliri at tanungin kaagad..."
"Ang hirap! Hindi kaya mahuli tayo? Halatang inoorasyunan siya eh," reklamo ko.
"Gumawa kana lang ng paraan. O kaya naman ng dahilan. Basta ,ikaw na bahala."
"Wow ha? Sabi nyo tayong tatlo gagawa ng paraan. Eh Bakit parang ako lang k.u.mikilos?" Di ko matiis na magreklamo ulit.
"Kabilin-bilinan ni Aling Carlota na huwag ako magpapakita kay Klea habang ginagawa yun. Mas humihigop daw ng enerhiya ang orasyon kung may lalake sa lugar. Kailangan ay babae."
"Ede ano 'to? Todo acting na naman ako?"
"Ganoon na nga. Kaya mo yan. Para sa paglaya ng kaibigan natin sa Black magic."
"Sige na nga. Kapag na tapos na itong misyon ko. Ikaw na sasagot sa venue ng reception namin ha?"
"Tignan mo 'to. Pinagkakitaan pa ko. Ang yaman-yaman nyo ng magiging asawa mo."
"Ah basta. Sagot mo yun!" Naiiling na lang ng makalayo kami.
Tanghaling tapat tinawagan ko siya para magpunta sa bahay namin. Inihanda ko ang dalaw.a.n.g kandila na puti at itim. Ang salamin na gagamitin, ang camera para sa props.
"Best, ano problema mo bakit ang init-init pinapunta mo ko rito?" bungad niya sa akin.
"Pasensiya na Best ha? Ikaw lang kasi ang kailangan ko. May kailangan akong ipalabas na short commercial tungkol sa kandila. Eh ano, walang available na babae,bukod tanging ikaw lang dahil sabi mo wala kang gawa."
"Ganoon? Ano ba gagawin? Kukuhaan mo ko ng camera tapos makikita ng mga kworkmate mo? Ay, ayoko!"
"Hindi! Nakaharap ka lang sa salamin. Tapos ang tututukan ko ng camera ay yung likod mo at ang mga kandila."
"b.l.o.o.d.y mary ang Peg?" Natatawa niyang tanong.
"Mas popular ito noh. Dahil commercial siya dapat may dialogue." Inabot ko ang papel.
"Kabisaduhin mo. Tatlong beses mo babanggitin sa harap ng salamin,nakapikit at habang hawak ang dalaw.a.n.g kandila na naksindi. Pagkatapos mo gawin yun, patayin mo kaagad. Nakapikit kapa rin. Ibubulong ko sayo ang mga sinabi mo ng tatlong beses pagkatapos ay pipitik ako ng daliri."
"Ganoon lang?"
"Ganoon lang. Gusto mo pa ba habaan?"
"Hindi na! Nakakbulol itong sasabihin ko."
"I'll give you atleast two minutes." tinutukan niya ng ilan minuto ang sasabihin bago sumenyas na okay na.
Binuksan ko ang camera.
"Lights, camera, action!"
Nakapikit na siyang nakaharap sa salamin. Bukas ang dalaw.a.n.g kandila.
"Ang na Ang na ugageda sunwa sumwak puludong puludong niyan iyesukot
Ang na Ang na ugageda sunwa sumwak puludong puludong niyan iyesukot
Ang na Ang na ugageda sunwa sumwak puludong puludong niyan iyesukot."
Pinatay niya ang kandila. Nakapikit siyang humarap sa akin at ako naman ang b.u.mulong malapit sa kanyang tenga.
"Ang na Ang na ugageda sunwa sumwak puludong puludong niyan iyesukot
Ang na Ang na ugageda sunwa sumwak puludong puludong niyan iyesukot
Ang na Ang na ugageda sunwa sumwak puludong puludong niyan iyesukot."
Pagkatapos kong ibulong ay pumitik ako ng isang beses. Walang alinlangan tinanong ko siya.
"Sino ba mahal mo Klea??" Dumilat siya at kunot-noo nakatingin sa akin.
"Kasama ba talaga yan sa eksena?" naiinis na yata siya.
"Oo naman,last part na yan. Sagutin mo na."
"Hay naku! Malamang mahal ko ang boyfriend ko." tumirik ang mata.
"Sino?"
"Si Amir, sino pa ba?! Ano ba yan. Tama na 'to pinagloloko mo ko eh." Nilapag ang kandila.
"O-okay na 'to. Pwede na. Salamat! Hay, thank you. Ipapasok ko lang ito sa kwarto ko." Paalam ko kaagad sa kanya.
Tinawagan ko sina Nixon at Aling Carlota, by conference call.
"Anong balita?" Aling Carlota
"May magandang balita na ba?" Nixon
"Successful naman." Sigawan sila.
"Hindi pa ko tapos, pero nasa loob pa rin siya ng black magic." Malungkot kong siwalat.
Kapwa sila natahimik.
"May huling Plan C pa. Wag tayo mawalan ng pag-asa." Aling Carlota.
"May pag-asa pa ba?" Nawawalan ganang tanong ni Nixon.
"Try and try lang." Sabi ko.
"Malapit ng ikasal ang dalawa. Tingin ko, hindi na tayo aabot sa hinahanap nating gamot."
Doon nawala sa linya ang dalawa. Sumusuko na nga ba si Nixon?
*****
"Ano ba pinagkkaabalahan nyong dalawa dyan?" Silip ni Blaze sa'min ni Nixon.
Mabilis itinago ni Nixon ang laptop.
"May plan akong ginagawa para sa isang project. Hindi pwede makita ng ibang tao." Depensa ni Nixon.
"Kahit ako?"
"Kahit sino pa."
"Okay. Pero ipapaalala ko sainyo na baka nalilibang kayo. Isang buwan na lang kasal namin ni Clarissa. Ayoko siyang mstress sa mismong kasal namin."
"Babe, never. Tsaka hindi ako madaling mapaG.o.d. Ako pa ba?" Depensa ko.
"Sinasabi ko lang. Kamusta pala yung kasal nila Klea at Amir? May balita na ba kayo?" Nagkat.i.tigan kami ni Nixon.
"Eventually, wala pa." Sagot ko.
"Wala kang gagawin?" Tanong ni Babe sa Bestfriend ko.
"Gusto mo na humadlang ako at tumutol sa kasal? Para saan?"
"Kaya mo ba na makitang ikakasal siya sa ibang lalake?"
"Hindi na siya na iba sa atin. Noon pa man ideal man niya si Amir."
"Ideal ba yung mapanakit?"
"Hindi, pero baka mawala rin sa kanya ang ganoong gawain."
"Sana nga. Kung hindi, baka masira ko mukha niya." Galit na sabi ni Nixon.
"Good luck!" Mapang-asar huling sabi ni Blaze rito.
"Tama na nga 'yan. Tawagan na lang natin si Klea." suggest ko.
"Whhhyyyy???" nag-huhurementado tanong ng Bestfriend ko.
"Why are you acting like that? Huwag mo sabihin, hanggang ngayon siya pa rin?" Banat ng mapapangasawa ko.
"You are not mistaken. He still loves our friend with hope and sadness. Pero kung sa bagay, hindi katangahan ang umibig, Baka yung umasa yun pa ang pwede."
"Akala ko ba kaibigan kita?" He chucked bitterly.
"Not all the time." Bungisngis kong sagot.
"Aalis na ko." Niligpit ang laptop niya.
"Aalis kana? Sino makakasama ni Babe rito? Paalis na rin ako." sabat ni Blaze.
"Samahan mo muna ako," paki-usap ko.
"I have to go now. May kakausapin lang akong empleyado sa gagawin namin Project." paliwanag niya.
"Ay, ganoon? Sige, tawagan ko si Aling Carlota para s---" tumigil lamang ako sa pagsasalita ng mapagtanto kasama pa pala namin si Blaze.
"Bakit ano ba usapan nyo ni Aling Carlota?" usisa ni Babe.
"W-wala. Nakikipagkita sa akin," kabado kong sagot.
"Kayo? Bakit?"
"Baka naghahanap sya ng gamot na pwedeng inumin para magkbaby kaagad kayo." kalmadong satsat ni Nixon.
Hinihintay namin kung ano ang reaksyon ng boyfriend ko.
"Ayiiiieeeee.... Talaga? Wag muna, malay mo sa unang araw ng chuchu natin makbuo agad." Taw.a.n.g-tawa na halos namula ang mukha.
Siniko ako ni Nixon at sumenyas na ihatid ko siya palabas ng bahay. Iniwan namin ang isa tawa ng tawa.
"Papunta na rin si Aling Carlota rito. Wag na lang kayo pahalata kay Blaze na may usapan tayong tatlo."
"Oo, ayoko muna ipaalam sa kanya. Baka kasi dumaldal yung kay Klea. Alam mo na, loyal na loyal siya sa kaibigan natin kaysa sa akin."
Ngumiti, "Hindi naman siguro."
"Hoy, daya nyo. Bakit nyo ko iniwan sa loob?"
"Mas inintindi mo kasi ang pagtawa kaysa isipin na late kana. Pumasok kana sa trabaho mo." Niyakap ko. "I love you Babe,"
"Ayiiiieeeee, I love you too Babe. Wag ka lalabas na walang kasama. Malapit na tayo ikasal kaya konting ingat noh?"
"For you, I will Babe."
"Ehem, aalis na ko wah? Malapit na kasi akong mainggit eh," seryosong sabi ni Bestfriend.
"Sabay tayo? Paunahan sa kruz na daan?" Hamon ng magaling kong boyfriend.
"Sige,kapag na.n.a.lo ako ikaw ang sagot sa dinner natin?"
"Uhm, pwede rin. Ano?"
"Hoy, magtigil nga kayo. Ako na may sagot sa dinner. Aayain ko na rin si Klea."
"Talaga? Sige, sige." nagmamadali umalis si Nixon.
Nagpaalam na ang dalawa. Habang papasok ako ay dumating si Aling Carlota. May dala siyang isang plastic bag. Pinapasok ko siya at pinakain.
"Tingin nyo po mawawala ang bisa ng gayuma kahit active pa rin siyang gamitan ni Amir?" umpisa ko.
"Kung tutugma ang gamot na ipapinom mo sakanya."
"Dalaw.a.n.g beses na pero wala pa rin pagbabago. Para na nga po akong sira sa harap niya."
"May pang-huli pa."
"Ano po?" may kinuha sa plastic bag. Pinakita niya sa'kin ang isang blue crystal.
"Ano po gagawin diyan?"
"Ipainom mo."
"Nang buo?"
Tumawa, "Hindi. Dudurugin mo, at pagkatapos pakukuluan hanggang sa matunaw ang crystal na 'to. Palamigin at pagkatapos ihalo mo sa juice na iinumin niya."
"Tamang-tama, dito ko siya pinadidiretso after work."
"Kailangan maubos niya ang juice ha?"
"Pero paano po yun? Nandito rin sina Blaze at Nixon."
"Okay lang. Ang importante iharap mo sa kanyang si Nixon matapos niyang ubusin ang Juice."
"Tapos?"
"Tatanungin siya ni Nixon kung ano ba ang nararamdaman niya para sa kanya."
"Ano pa po?"
"Hintayin nyo lang na sumagot siya. At kapag sinabi niyang si Nixon ang mahal niya,iyon ang tamang pagkakataon par--para sabihin na ginayuma siya ni Amir."
"What if, what if hindi epektibo tulad nung una?" Nag-aalangan kong tanong.
"Wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang kapalaran niyang makasal kay Amir."
"Hindi pwede. Hindi siya magiging masaya habang buhay dahil sa gayuma na yun. Pero ,di ba sabi nyo dati na kapag huminto sa paggamit ng gayuma ay mawawala kaagad ang feelings niya? Baka ito talaga ang sagot?"
"Pede rin. Pero paano? Lalapitan natin si Amir para maki-usap na itigil na yun? Malamang, hindi siya papabor doon. Mahal na mahal ni Amir si Klea, kaya nga na gawa niyang gayumahin ang kaibigan nyo. Hay, parang dati lang ang kaibigan nyo hahabol-habol sa kanya pero ngayon baliktad na."
Tama siya. Hindi ganoon ang ugali ni Amir na pwede mo paki-usapan. Gayong sobra na niyang mahal ang kaibigan namin. Ang tanging huling sandata ay ang Blue Crystal na ito.
Pinaliwanag niyang muli ang mga proseso sa paggamit at paghahanda ng gamot. Bandang hapon ay tinawagan ko na si Klea na dito na muna k.u.main mamayang gabi. Pumayag naman ito kaya bago siya nakarating ay niluto ko na ang Blue Crystal.
Nang matapos ko ang ginagawa ay siyang dating ni Klea. Maaga pa, pero ang bilis niya.
Itinago ko muna ang liquid Blue Crystal sa hindi makikita.
"Ba't ang aga mo yata? Wala kana ba pasok?" Tanong ko.
"Nagpaalam ako. Excited na ko matikam ang kaldereta mo." sabay kindat.
"Hasus, sabihin mo, excited ka lang na makita si Nixon."
"Si Nixon? Haller, bakit ko naman ikakexcite ang pagdating niya? Ito talaga, Si Amir lang ang mahal ko noh. Amir is mine."
Pero humanda ka mamaya. Makakalimutan na ulit ng puso mong si Amir ang minamahal mo.
Gumabi na. Unang dumating si Blaze mula sa trabaho. Naghanda na kami ng hapunan para pagdating ni Nixon ay kakainin na lang kami. Habang nag-uusap sa harap ng hapag-kainan ay may b.u.musina. Nag-prisinta si Babe ang magbubukas ng gate para kay Nixon.
"Oh, nasaan na si Nixon?" tanong ko ng mag-isa lang pumasok.
"Ah, Babe. May bisita tayo." parang hindi siya kampante sa sinabi niya.
"Sino? May iba pa pala kayong bisita bukod samin ni Nixon ah?" nagtatakang tanong ni Klea habang ako ay papalapit sa pintuan.
"Amir?" gulat kong tanong.
"Nandiyan si Amir?" excited tumayo ang kaibigan ko patungo sa kinatatayuan ko.
"Hi Babe!!!! Akala ko ba may trabaho kapa?"
Tumingin sa akin si Amir, "Tinapos ko kaagad para mapuntahan kita rito. Alam mo naman na nag-aalala ako kapag wala ka sa tabi ko." Nag-smirk siyang pumasok sa loob.
"Hoy cousin. Pinapasok na ba kita?" angas ng boyfriend ko.
"Maganda itong bahay nyo ah? Simple lang, bakit nga ba ganito lang ang bahay nyo?" Tanong kay Blaze.
"Gusto namin ni Clarissa na simple lang."
"Kung sa bagay, sawa kayo pareho sa malaki at malawak na bahay. Pero syempre,kung ako may pera ibibili ko na nang bahay na malaki ang mapapangasawa ko." tumingin kay Klea.
"Talaga ba? Ayoko nang sobrang laking bahay. Okay na sa'kin ng ganito. Basta kompleto sa gamit. Tsaka ,sabi mo sa'kin dati hindi tayo kukuha ng kasambahay kaya gusto mo ba mahirapan akong maglinis?"
"Nagbago na pala plano ko."
"Kukuha kana ng kasambahay?" nagniningning ang mata ng kaibigan ko.
"Hindi," sa paligid pa rin nakatingin.
"Gaya na lang nito ang ipapagawa natin na bahay?"
"Hindi rin," na meyw.a.n.g.
"Ano?"
"I decided that next month we would be married."
"WHAAAAT???!!!" Sigaw ko.
"ANOOO??!!!" Sigaw ng Boyfriend kong si Blaze.
"N-next month na." bulong ng kung sino malapit sa pintuan.
"Talaga Babe??? Talaga? Ahhhh... Thank you, thank you! Excited na kooooo.." Yumakap ang kaibigan ko sa kanya at sabay halik.
"Cousin, hindi pwede. Kasal namin ni Clarissa yun. Hindi ba pwede next year na lang? Alam mo na yung sukob."
"Naniniwala ka roon Blaze? Wala sa taon o buwan o kahit anong pamahiin ang makaka pigil sa pagmamahalan namin. Maniwala kayo sa pamahiin pero ikakasal din kami sa susunod na buwan."
"Klea," tawag ko.
"Kung ano ang desisyon nya ganoon na rin ang plano ko." taas noong sabi niya.
Hinila ko siya papasok sa kusina.
"Ano ba? Baliw kana ba talaga? Usapan natin na kung may balak kayo magpakasal dapat next year na!" na bubuwisit kong sabi.
"Clarissa, desisyon namin yun. Ano ba kung pareho ng buwan? Magkaiba naman ng petsa."
"Pero kahit na....."
"Clarissa, ayaw mo ba ko maging masaya?" sa tono nito ang inis sa akin.
"Gusto ko na kung masaya ako ay masaya ka rin pero not this time. Baka na bibigla ka lang." hawak ko ang magkabilang balikat pero umiwas siya.
"Ang selfish mo. Hindi ganyan ang dating sa akin eh. Bakit ba hindi na lang kayo maging masaya sa plano namin?"
"Maraming bagay na dapat pag-isipan bago pasukin. Maraming desisyon na sa huli pagsisihan mo."
"Ano ba sinasabi mo? Hindi ko pagsisisihan kung magpakasal ako sa kanya.I love him very much. all he wants is that I like too. Maging masaya kana lang sa'min. O kung hindi mo kayang tanggapin? Wala na kong magagawa 'ron. Pumunta ka kung gusto mo magpunta sa kasal namin." Galit itong umalis sa kusina.
Iniisip ko lang naman ang future niya para kay Amir. At isa pa, hindi ko pa nagagawa ang isang bagay na dapat magawa ko na. Hindi siya magiging masaya sa buhay kung dumating sa puntong malaman niya ang katotohanan.
"Clarissa, tama ba 'tong narinig ko? Next month na talaga?" Naaawa ako rito kay Nixon. Alam ko kung gaano niya kmahal ang kaibigan namin. Buong buhay yata niya ay si Klea lang ang inibig nito.
Bakit sa huli siya pa masasaktan at Maiiwan na mag-isa? Bakit yung taong iyon ang magiging maligaya sa piling ni Klea? Hindi siya karapat-dapat, si Nixon lang. Ang mga kaibigan ko ang dapat sa huli magkatuluyan.
"Huwag mo na gawin ang huling gamot para sa kanya." malungkot niya kong iiwan.
"Nixon, bakit? Sumusuko kana ba?" naluluha kong tanong. Humarap siya sa akin. Mas lalo akong na awa sa kanya ng may luhang umaagos sa kanyang mga mata.
"Ayoko nang umasa Clarissa. Ayoko nang paasahin ang sarili ko na babalik pa ang dating Klea sa buhay ko. Tama na siguro 'yong minsan minahal niya ko kahit panandalian lang."
"Pero ikaw ang mahal niya!"
"Hanggang saan? Hanggang kailan? Na kay Amir lang ang sagot eh. Kung t.i.tigilan ba naman niya si Klea sa pang-gagayuma, marahil sa'kin magpapakasal ang kaibigan natin. Pero hindi, desperado na si Amir para kunin niya ang babaeng mahal ko. AYOKO NA, SUKO NA KO. MALAPIT NA KONG MAPAG.o.d KAYA GUSTO KO NANG MAGPAHINGA."
PWEDE NAMAN MAGPAHINGA KUNG PAG.o.d NA PERO DAPAT ALAM MO NA DAPAT PANG-LUMABAN
Potion Of Love 47 Chapter 46
You're reading novel Potion Of Love 47 Chapter 46 online at LightNovelFree.com. You can use the follow function to bookmark your favorite novel ( Only for registered users ). If you find any errors ( broken links, can't load photos, etc.. ), Please let us know so we can fix it as soon as possible. And when you start a conversation or debate about a certain topic with other people, please do not offend them just because you don't like their opinions.
Potion Of Love 47 Chapter 46 summary
You're reading Potion Of Love 47 Chapter 46. This novel has been translated by Updating. Author: Ayieshien1991 already has 955 views.
It's great if you read and follow any novel on our website. We promise you that we'll bring you the latest, hottest novel everyday and FREE.
LightNovelFree.com is a most smartest website for reading novel online, it can automatic resize images to fit your pc screen, even on your mobile. Experience now by using your smartphone and access to LightNovelFree.com
- Related chapter:
- Potion Of Love 46 Chapter 45
- Potion Of Love 48 Chapter 47